Monday, October 16
Eto ang una kong post after ko maedit ang new layout na 'to.
Syempre since were talking about first, ang una kong ipopost eh first din...first time ko sa mall of asia nung saturday. *Toinks* Ang layo kasi eh, ngayon lang ako nakapasok sa mall na 'yun! Nadadaanan ko na sya dati pag pumunta ko sa client ko sa TNT pero hindi ko pa yun napapasok.
Ang laki nga, may part dun na parang eastwood, mga brick road.
Oh eto ang kuha ko:

Nagtitrip magpose habang papunta ng MOA. Kakaantok kasi sa byahe.

Ayan dumating na rin kami...kaso medyo umaambon pa!
Wow imax...gusto kong manood dyan ng movie someday...pag di na superman ang palabas. Gosh antagal na, superman pa rin??? Palitan na sana.

Halata bang gutom na??? Past 1 o'clock na eh, sobrang tomguts nako! Kung ano-ano na naiisip at nakikita ko! Napapagkamalan ko ng chicken yung mukha ng kaharap ko! Waaah!

View sa likod...Ganda ng bay!

SM Mall of Asia... Kamusta na kaya si Henry Sy? Kaya niya pa kayang imanage to? Basta ako available always if he needs help.

For kids event...Am with my pamangkin eh!

Ang panget ng kuha, umaandar kasi eh!