OWNER'S PROFILE
Nickname: Juds
Age: 24 y/o
Location: Pasig City
Sign: Capricorn
Quote of the week:
"Nothing can stop the man with the right mental attitude from achieving his goal; nothing on earth can
help the man with the wrong mental attitude.."
"If at first you don't succeed, try, try again. Then quit. There's no use being a damn fool about it."
"What's new?"
I want to travel AROUND THE WORLD!!!
And welcome to my world...
Click on de flower buds to navigate
Best viewed in resolution 1024x768
dear diary,
Tuesday, September 12
Gabi-gabi tumitingala sa buwan at napapaisip
Sa mga matatamis na salitang iyong sinasambit
Na ako lang at wala ng iba pa ang iyong iniibig
Pangalan ko lang ang parati mong binabanggit
Kinalauna'y sayo ang loob ay nahulog
Na para bang ang puso ko ay sumasabog
'Gang sa ang pangalan mo rin ang bumubulabog
Pakiramdam na sa kawalan ako ay lumulubog
Paglipas ng araw ikaw ay nawala
Na ika nga nila'y nawalang parang bula
Pati pag-ibig mo'y naglaho na bigla
Iniwan akong sa isang tabi'y tulala
Nalaman ko nalang plano mong inilaan
Na sa bitag mo ako'y mahulog ng biglaan
Ngayon sa sulok ng kwarto ako'y luhaan
Wari'y kaytagal ng bawat oras na dumaraan
Iniisip ko "Bakit sa aking ito'y nagawa mo?"
Umiiyak at nagtatanong kung "Anong kasalanan ko?"
"Nasakal ba kita sa labis ko sayong pagkagusto?
Na makasama at makapiling sa isang sulok ng mundo?"
Nang ika'y muling makita ako'y labis na natuwa
Pintig ng puso ko'y kaybilis at kaysigla
Ako ngayo'y nakaharap sayo ng puno ng pag-asa
Umaasang sa paliwanag mo tayo'y magkakabalikan pa
Bibig ko'y iginalaw, nagsalita upang batiin ka
Ngunit biglang nahinto at bibig ko'y isinara
Nagulat, nabigla ikaw pala ay may kasama
Isang modernong dalaga, napakayumi't napakaganda
Katawan ko'y nanigas at hirap igalaw
Bingi sa mga salitang sa bibig nya'y lumilitaw
Manhid, walang pakiramdam at gusto ko ng bumitaw
Sa pangako mo at sa natitirang pag-asa noong araw
Hindi ako nagkamali sa aking inakala
May relasyon sila ng babaeng pinakilala
Sya raw ang mahal nya mula pa noong simula
Hapdi at sakit sa puso ko't katawan ay lumala
Tumakbo akong palayo, mukha'y puno ng luha
Di matanggap na umpisa pa lang ako'y niloko nya
Di man lang daw sya nahirapang ako'y mapasakanya
Ngiti nya'y naging halakhak at sya daw ay nakaisa
Masakit isipin, mahirap gawing limutin ang tulad nya
Sapagkat hapding tumama sakin ngayon ay sariwa pa
Subalit ang lokohin ang sarili ko'y di magawa
'Di ko alam kung bakit mahal na mahal ko pa rin sya...
Originally composed by: Judith
Date composed: 9.7.06 (12-1am) (please don't copy!)
1:19 AM
the scent still lingers
bulletin
I hate my new ECN student, he's kinda sarcastic. But still hoping we'll get along well.
I like this guy and I think he feels the same way but sex comes first on his mind, so NEVERMIND!
BEWARE of the green-eyed monster named Wingsan, there I said her name.