Wednesday, August 17
B-W-U-S-I-T na dial-up to…. Aaaaa-nnnn-gggg BBBB-AAAA-GGGG-AAAA-LLLL!!!! Sinubukan kong magdownload ng video ng backstreet boys entitled -->Just want you to know (oh mga anti-bsb dyan, tsupee!!! Diko kelangan ng angas nyo! Bugbugin ko kayo eh!!! Har-har!) Anyway, badtrip talaga ang dial-up pag ganitong magdodownload ka eh, kelangan ng matinding patience! Yun pa naman ang wala ako! Tang-***!!! Pero kahit na bawat segundo eh pause ng pause medyo napanood ko naman kahit papano yung video…80’s na 80’s, kung hindi ako nagkakamali…May 13, 1985 yung date kunwari ng tinape yun! Ang baduy ni nick! Kadiri…kunwaring punkista noong araw! Yuckie pa…kasi habang ininterview sya eh nangungulangot pa. Hahaha!!! KADIRI…Pero loves pa rin kita NICK. Hehe! Super cool ng mtv….eto na ata ang pinakabaduy na mtv nila (oo cool na baduy…carry mo na yun) pero it really rocks my NOSE!!! Haha…with matching funky hairstyles and super baduy outfits….grabe …its feels like saying “Tenk-GOD –aym-nat-in-da-80’s”.
____________________________________________________________
Syangapala, (siryus nato) nakapagdesisyon nako. ****Hingang malalim**** Kaninang paggising ko, alam kong buo na ang pasya ko. Ilang araw ko ring tinimbang ang mga factors sa paggawa ko ng desisyon. At naisip ko, ngayon na ang tamang araw para iparating sa aking boss ang desisyon ko na makakapagpabago sa aking buhay.
Bago ko inangat ang telepono, nagdasal muna ako, tapos hinga ng malalim. Humigit ng lakas ng loob para masabi ko lahat ng gusto kong sabihin sa boss ko. Ayan na…diko alam bakit ako kinakabahan habang nagdidial ako sa telepono. 5-3-2-*-*-*….isang numero nalang, diko pa mapindot. Marahil di pa buo isip ko, diko alam kung hanggang ngayon nagdadalawang-isip pa rin ako. Pero kelangan ko ng magdesisyon…..8…sa wakas napindot ko rin…***Tooot----tooot----tooot***….Aahhh LECHE!!!! Busy ang linya ng telepono! ...Ilang minuto pa, nagkaroon ulet ako ng lakas ng loob hanggang sa makausap ko na ang boss ko. “…Ma’am pasensya napo, naisip ko pong huminto na muna sa trabaho ko….” (Sa wakas nasabi ko rin, at naintindihan naman ako ni boss) “…Sige pagaling ka…” ika nya.
Kinahapunan… parang may pumukol sa utak ko. At sinabing T-A-N-G-A bakit ka aalis? Ang daming hirap ang pinagdaanan mo para makapasok dyan, tapos aalis ka nalang bigla?....Kaya, nagulantang ako….napaisip…at maya-maya’y nasabing “Oh shheeettt!!! Ay-nid-to-seyb-my-packing-dyab!!!”
Naisip kong tumawag sa HR namin, ang kaso sawang-sawa nako sa salitang “Ah-okey,-dats-on-anader-department-hold-on,-ayl-transper-yu”. Matapos mong ikwento ang buong problema mo, hindi pala sya ang makakatulong sayo! Tapos paglipat sa ibang linya, kwento na naman, tapos transfer na naman, kwento…transfer….nakakasawa na!!! Kaya bukas na bukas din, kahit iika-ika na ang lakad ko, gigimbalahin ko ang Head Office namin. Buo na ang pasya ko! Kelangan ko ng tulong nila para makapagdesisyon ako nang mabuti. Sana hindi pa huli ang lahat!
---Naku dyudit, ano na nman bang ginawa mo????---