Sunday, August 21
na ipost tong mga pics na to, natuwa kasi ako habang nagbro-browse.
That dinner was taken in Tokyo-tokyo Shangri-la. Syempre nag gather kami neto para pag-usapan ang matagal na naming plano na magpunta sa baguio. We close the deal that night and everything was set to what we planned. Pero unfortunately, nature stopped us to go there. Nagkalandslide kasi nun sa Kennon Rd. kaya di kami natuloy.
Sa eastwood yan, nice place to take a pic noh? Parang class picture ang dating noh? Actually, those groups of people are those who passed the final judgement. It simply means, we are the newly hired employees of ARC then. Ang ilang araw na training namin, nagbunga din sa wakas. Even though we’ve known each other with just a small span of time, were very very close, as if magkakakilala na kami decade ago. Parang isang buong tropa kami. Well, all I can say…”I really missed you guys.”
This was taken in the pantry. Saturday morning, malapit na uwian nyan kaya yung mga chairs sa likod, pinatong na sa table. Syempre nagsama kami ni cese na picture addict, kaya kahit san magpunta, picture ng picture. Meron pa nga sa CR eh at kung saan saan pa, kaya lang I’ve lost some copy of those pics when our computer was formatted. Ganda ba kuha naming dito? Oh diba pareho pa kaming my raffles ang damit tsaka white color. During that time, masayang masaya kami nyan being a call center agent and sa mga bonding ng co-employees namin.
Eto kami ni chel, nag-eenjoy sa aming petics moment. Ninenok ko yung celphone ni dimple para magpicturan kami ni chel. Syempre hindi makaangal si dimple kasi nakalog-in sya at may kausap na client na. Hehe! Kaya wala ng sabi-sabi. Ganda ng background noh, with matching fading colors! Parang nasa studio. Si chel kasama ko yan thru thick and thin, lagi kaming magkasama ng campaign eh. At binabato kami kahit sang campaign, iba na daw kasi pag flexible. Syempre think positive.
Left to right: Me, Jael, Mj, Karen & Chel. Nasa Rockwell kami nyan. Nakakahiya mang aminin pero bulong ko nalang ha..”First time ko pong makapunta dyan non”. If I was not mistaken, noong January this year yan. Galing kong kumuha ng pic noh? Swak lahat. After how many tries ni chel na magkasya kami sa screen, I volunteered myself na ako nalang kukuha, syempre skills ko yan eh. Yun nga lang medyo my space pa sa gilid, pero ok na. Grabe ang pagod namin sa pag-aaply nyan ha. Galing kami ng ayala hanggang sa nakarating kami ng Rockwell. Nagtaxi nalang kami.

Resigned na kami nyan nina Mj and Dimple. Sa right pic, kami yan ni Mj, sa left pic naman kami ni Dimple. Tapos na exit interview namin, tsaka kinuha nalang namin yung tax refund. Kaya tambay girls na kami after that. Sarap talaga ng tulog sa gabi. Ang namimiss ko lang eh yung mga matitinong kano na sinasabi sa kin “Oh, you sounds like British or Mexican.” Hehe!
At tinamad na ko sa bahay na nakatambay lang, kaya humanap ako ng bagong work. Dun ko nameet sina Bash, sa left, si Lorj sa right. Kami ni Bash parehong teller ang inaaplayan, si Lorj, accounting asst. Pareho naman kaming graduate ni Lorj ng accountancy, pero pinili ko ang teller even though ang first offer sa kin eh accounting clerk tapos maaassigned pa sa head office. Yan ang malaki kong pinagsisihan. Grrr!!!
Sila naman ang naging friends ko during 1week of training, si Ana, Calai and Tin. Bakit ganyan itsura namin? Kasi naman tong si Ana eh, nanginginig habang nagpipicture kaya antagal bago na center. Hehe! Grabe ang kukulit netong mga to, sarap kasama. Pinakamadaldal si Ana, accountancy grad din kasi kaya baliw. Kaming tatlo nina Calai and Tin, new accounts teller ang position, si Ana, accounting assistant. Tindi namin nyan, kasi may speaker sa likod pero kami dedma, walang pakialam basta magpicture. Hehe!
Eto si Charlene, same barangay pa kami nyan. Kasabay ko sya nung nag-aaply palang. Tapos naging magfriends kami nung training na, kasi lagi kami nyan magkasama. Same batch pa, pakners kami neto eh. Naalala ko tuloy noong “personality development” namin, sabi ng speaker, ipakilala daw namin ang aming pakner sa harap ng iba, tapos sabihin mo kung anong magandang asset ng pakner mo. Hirap na hirap kami nun eh. Liabilities kasi meron, walang asset. Hehe! Sabi ng mga kasama ko kamukha nya si Rochelle ng sexbomb, wat d’yo think?
Eto pa rin ang magugulong tropa. Nag-o-OJT na kami nyan sa branch. Tapos nagkaroon kami ng counterfeit seminar, so naggather na naman ang magugulong newly hired ng banco. After seminar nagkayayaan na magpunta sa Galleria. Ayun, stroll tapos matinding chikahan na ang naganap. Btw, sarap talaga ng meal namin during seminar. Biruin nyo, tamang-tama di ako nag-agahan, before nagstart kainan muna. Tapos sarap ng lunch, then before umuwi kain na naman. Diko na nga naubos eh. Approve talaga, feeling special employee kami.



This is Van, kasama ko sa branch. Co-trainee ko rin, nauna lang ako ng 1 week mahigit sa kanya. Magaling na singer yan. Lumabas na rin sya sa tv, kaya baka familiar sya senyo. Kasali sya sa top 100 Star in a Million. Sayang at mas priority nila before ang teenagers kaya di na sya nakalayo pa. Magaling to, kahit pahapyaw ko lang narinig kumanta yan. Bawal kasi sa banco eh. Nasa bahay nila ako nyan around 7pm na papunta kaming Megamall to watch “If Only” movie. Inabutan na tuloy namin yung last full show, kaya sobrang gabi na namin nakauwi. Yan kami parang mumo, ang dilim sa loob eh. Tapos pinicturan ko din yung big screen. Galing noh, sakto na yan yung poster nila.