Sunday, January 30
January 28, 2005
Today is a wonderful day! Why? Ahaha...be ready cos this will be a very long entry.Besides from today is Nick's birthday, well I saw Mark again after so long years! Who's Mark? I'll tell you who he is...but first let me tell you what happened...
Two of my friends and I met at school to claim my diploma, after gettin' it, were supposed to go chat around first then go home. But to our surprise, we saw Mark accidentally! Gosh! Couldn't believe our eyes, is it really him?!? Pero sya nga! Pagkatapos mahigit isang taon, I saw him again! We were wondering before what happened to him.
FYI, Mark was my ultimate crush since my first year college. Were on the same course back then, kaso lang he shifted to another course on our third year, di na nakayanan ang sakit ng ulo eh. Kung sa bagay, nakakatuyo naman talaga ng utak ang accounting! Kaya nga nung mga first year pa kami marami pang mga gwapo sa course namin tapos after a year konti-konti na silang nawawala....kasi di na kaya ang magpakanerd! *Oi di ako nerd ah, tibay ng loob at matinding dasal lang kung bakit ako nakagraduate sa course na yon* Syempre yung mga gwapo, paporma lang ng paporma, di sila uubra sa course namin kasi sa min mawawalan ka ng time magpagwapo! *buti nalang me and my barkadas find time to maintain our beauties..hehe* Well eto lang maipagmamalaki ko, sa buong floor ng accountancy, pag may nakita kang maganda dun, barkada namin yun. Imagine? Kasi nga mostly ang mga tao dun wala ng ibang ginawa kundi ang mag-aral at bitbit ang mga makakapal na libro ng accounting o di kaya law o minsan ang mga worksheet naming pagkalapad-lapad! At di mawawala syempre ang calculator! Oi di uso samin ang scientific noh! Kung malaki ang mga numbers ng calculator mo, mas ok yun! Mas malaki ang chance na papasa ka! Why? Kasi sa exam kelangan mabilis ka magpipipindot sa calculator dahil di mo mamamalayan na time na pala! Ganun kahirap! Pero hindi naman sa lahat ng oras, ang hawak namin eh face powder at make-ups. Syempre nag-aaral din kami! In fact CPA na ang ibang kabarkada ko. Ako? Hehe…diko na tinry magboard kasi sa umpisa palang wala na talaga akong interest sa course ko! Anyway, nawawala nako sa istorya ko!
Galing kami sa South Wing, after ko maclaim ung diploma ko, ayun na si Cindy, ang talas ng mata! “Si Mark oh!” Aba! Kala namin ni Gee nagpaparanoid lang, ba naman sa tagal naming di sya nakikita eh! Tingin naman kami, kaso lang nasa likod ng billboard so ung forehead lang ang kita namin, familiar ang hair! “Hmmm…tara lapitan natin” inaya ko sila. *ang lakas ng loob ng lola* Ayaw pa ni Cindy kasi nahihiya sya, eh ano ngayon diba? Wala naman kaming ginagawang masama and besides di naman sya kilala so kung may oobvious man ako yun, kasi naging classmate ko sya nung second year. *syangapala, karibal ko si Cindy dun, pero because were friends di kami yung tipong nagdadamot, we share sa mga papa! Haha! We share infos bout them* So lapit kami…Aba sya nga!!! Si MARK nga!!! Teka..teka bakit ganun may kasamang girl? At di na yung girlfriend nya dati? Aba bagong mukha na naman! Hmmmp!!!! Sino kaya to?? “Mas maganda pa yung exes nya kesa dyan ah” “Alam kaya ng girlfriend nya to? Eh pano na yung anak nila?” “Napakababaero naman neto!” Yan para kaming paparazzi sa tabi. Syempre di kami paobvious na tinitingnan namin sya! So, di muna kami umalis sa pwesto namin habang sila naman eh back and fort na palakad-lakad. So, naisip ko magfile na kami ngayon ng original copy ng TOR so we can stay longer. Yan, after we requested for some form to be filled up, we look for some place where we could sign it up. Then, Cindy kid us to stay beside them. Eh syempre ang lakas ng loob ko, so sabi ko “Tara!” Ayun, nauna na ko palapit sa inuupuan nina Mark and that girl! Nakita ko sina Gee and Cindy, aba hesitant pa. Kala nila nagbibiro ako! Then I found a sit that fit the three of us near them. I invited them to come over. So sila ang bagal maglakad na para bang ayaw akong samahan. Then ayun, napaupo ko rin sila sa tabi ko. Dedma ever ako! Hmm……kunwari di ko sila kita (si Mark and the girl) Then serious akong nagfifill-up ng form ng biglang may humablot ng paper ko! Napatingin ako sa kumuha. Shocks!!! “Oi Mark” sabay tapik sa braso nya. “Akin na yan!” Nagulat talaga ako pero syempre wag magpapaobvious at baka ako mahimatay! “Ano to?” he asked. “ Form for TOR” sabi ko. “Anong ginagawa mo dito? Di ka pa graduate?” Aba ayaw maniwalang TOR form yun so it means graduate nako! “Gaga, graduate nako noh! Eh ikaw ano ginagawa mo dito?” Ayan, naitanong ko din! “Sinasamahan ko yung kapatid kong kumuha ng entrance exam.” “Kapatid mo?” gusto ko lang i-clear. “Oo, dito sya mag-aaral!” “Ah ok!” Napangiti ako, ayun nasagot din nya ang gumugulo sa utak namin. Tapos lumapit sa kanya ulet yung kapatid nya after tumingin sa mga nadevelop na pictures. Chineck nya ata kung andun na yung pic nya. “Dun muna kami.” Sabay turo sa taas. “Sige” kahit marami pa kong gustong tanungin sa kanya.
Tapos napag-alaman ko nalang sa kapatid nya na kasal na pala sya at may anak na nga sila nung girlfriend nya…este asawa nya! Syempre tsinika ko yung kapatid nya nung magkasabay kami sa restroom. Marami pang nangyari kaso lang diko na idedetalye kasi nakakadepressed lang. Haaay…college life nga naman! Nawala na nga sya sa isip ko eh, pero nung nakita ko ulit sya ayun bumalik ulet yung mga nakaraan! Anyway, sana masaya sya. *at sana di nya to mabasa at nung sister nya….dyahe*